Taas-pasahe sa mga jeep, bus, taxi, TNVS kasado na – LTFRB

Taas-pasahe sa mga jeep, bus, taxi, TNVS kasado na – LTFRB

September 17, 2022 @ 9:00 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes ang taas-pasahe sa traditional at modern jeepneys, mga bus, taxi, at transport network vehicle services (TNVS).

Inihayag ng LTFRB na inilabas nito ang desisyon sa petisyong inihain ng ilang transport groups.

Inaprubahan ng public land transportation regulator ang P1 provisional increase sa minimum fare para sa unang apat na kilometro ng paglalakbay para sa traditional at modern jeepneys.

“Upon the effectivity of the decision, the minimum fare for traditional public utility jeepney (TPUJ) will be P12, while for modern PUJ (MPUJ) will be at P14,” pahayag ng LTFRB.

Pinayagan na rin ng ahensya ang dagdag-pasahe na P0.30 kada kilometro para sa TPUJ, habang ipatutupad naman ang karagdagang P0.40 kada kilometro para sa MPUJ.

“Based on the increase, the fare for succeeding kilometer run TPUJ will be P1.80 from the current P1.50, while for MPUJ will be P2.20 from P1.80,” ayon sa LTFRB.

Para sa public utility buses (PUB), inaprubahan naman ng land transportation regulator ang P2 uniformed base fare hike para sa city at provincial buses para sa unang limang kilometro at P0.35 hanggang P0.50 na dagdag para sa mga susunod na kilometro depende sa uri ng bus.

Sinabi ng LTFRB na inihirit ng PUB operators ang P4 hanggang P7 base fare hikesat kada kilometrong rate mula P0.45 hanggang P1.20.

Nagtaas din ang flagdown rate para sa mga taxi at TNVS ng P5.

“Upon effectivity of the decision, the minimum fare for taxis and Sedan-type TNVS will be P45, while AUV/SUV-type TNVS will be at P55. For hatchback-type TNVS, flagdown rate will be P35,” sabi ng LTFRB.

“There will be no increase in the succeeding kilometers,” dagdag nito.

Epektibo ang desisyon sa fare increases 15 araw matapos ang pagkakalathala sa isang pahayagan o halos sa unang linggo ng Oktubre.

Sinabi ng LTFRB na iiral pa rin ang 20% discount para sa senior citizens, persons with disability at mga estudyante.

Nauna nang inihayag ng ahensya na kinikilala nito ang ang pangangailangan para sa fare increase kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis.

Sabi pa ng LTFRB, kumonsulta ito sa National Economic Development Authority (NEDA) at sa Department of Energy (DOE) ukol dito.

Nagpaalala naman ang ahensya sa mga driver na sumunod sa mga alituntunin at ahensya maging sa public health safety protocols. RNT/SA