Taas-pasahe sa MRT-3, nakaamba

Taas-pasahe sa MRT-3, nakaamba

February 1, 2023 @ 9:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naghain ang Metro Manila Transit Line 3 (MRT-3) ng peisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa isang fare rate increase mula P4 hanggang P6 dahil sa kakulangan ng kita, ayon sa ulat nitong Martes.

Kapag nakalusot ang petisyon, ang minimum charge para sa biyahe galing North Avenue station patungong GMA Kamuning ay magiging P17 mula sa kasalukuyang P13.

Ang maximum charge mula North Avenue station hanggang Taft Avenue ay magiging P34 mula sa P28.

Umabot ang gastos sa halos P8,969,179,830.02 hanggang nitong November 2022, habang ang kabuuang kita nito ay P1,107,523,425.23. Ang resulting deficit ay P7,861,656,404.79 o P88.34 government subsidy kada pasahero.

Sa petisyon, nahihirapan ang MRT-3 sa public finances dahil hindi umano sapat ang fare revenues sa pagsaklaw initial investment sa pagtatayo ng pasilidad, maintenance at operasyon ng linya.

“However, because it is an essential service, it is continuously maintained and subsidized, costing continuous deficits on the part of the government.”

Nananawagan naman ng DOTr para sa isang public consultation sa Feb. 17 para kunin ang opinyon ng publiko sa panukalang fare rate increase.

“Mahirap na yun kasi dadagdag na naman yan sa gastos,”anang isang commuter bilang reaskyon sa petisyon.

“Mas cheaper pa rin compared sa bus,” sabi naman ng isang biyahero.

Bukod sa MRT-3, tatalakayin din sa hearing public hearing ang karagdagang P2.50 pamasahe sa LRT Line 1 at Line 2.

“LRTA’s internally generated funds are not sufficient to sustain it’s total operating expenses requirements… the authority has an operational subsidy from the national government for the year 2023 in the total amount of P1,053,363,000,” pahayag ng LRTA.

“The proposed fare increase will certainly result to the reduction of subsidy being provided by the government,” dagdag nito.

Ayon kay LRTA administrator Atty. Hernando Cabrera, “Isa sa mga recommendation namin kailangan sabay-sabay yan. On the idea na inaprubahan mo ha. Across the industry ‘yan, ‘yung tattle, line 1, line 2, and MRT.” RNT/SA