Taas-pasahe sa PUVs tuloy na tuloy bukas – DOTR

Taas-pasahe sa PUVs tuloy na tuloy bukas – DOTR

October 2, 2022 @ 9:16 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Wala nang makapipigil at tuloy na tuloy na ang dagdag-singil sa pamasahe sa mga pampublikong sasakyan bukas, Oktubre 3.

Ayon kay Department of Transportation Secretary Jaime Bautista, kailangan siguruhin ng mga driver at operator na nakalagay sa loob ng sasakyan ang fare matrix bago payagan na magpatupad ng fare increase.

“Dapat makita ng mga pasahero ang bagong matrix. I will request LTFRB lahat ng sectors para di malito ang mga pasahero,” ani Bautista kasabay ng pulong balitaan na isinagawa sa PAMANA Transport Service and Multi-purpose cooperative general assembly.

“Dapat ganon. Kaya ang gagawin namin pag igihan namin ang information drive lalo na operators ng jeepney para makita ng mga pasahero,” dagdag niya.

Humingi naman ng pang-unawa si Bautista sa mga pasahero na sa kabila ng pagtaas ng presyo ng iba’t ibang produkto, kailangan rin ang taas-presyo sa pamasahe.

“Napaka-liit ng kinikita nila dahil presyo ng gasolina, maintenance. Dahil may inflation, kailangan din natin ng increase ng pamasahe, matagal na sila nanghihingi pero dahil nagkaroon ng pandemya, hindi natin binigyan ng increase para hindi mahirapan mga pasahero,” paliwanag niya.

Simula bukas, madaragdagan ng piso ang pamasahe sa traditional at modern jeepney samantala P2 naman sa bus.

Maliban sa mga ito, dinagdagan na rin ng P5 ang flagdown rates sa taxi at transport network vehicle services (TNVS).

Pinag-aaralan naman ng DOTR kung papayagan ang hiling ng LRT 1 at iba pang tren na magtaas rin ng pamasahe.

“Meron contract iyan and agreement pwede sila magtaas every 2 years. Nagmeeting sila last week ng request— sinasabi nila bus jeep nag-increase sila nasa 11 pa din. So sinasabi nila hindi pa nai-implent fare increases since 2016, 2018, and 2020, pag-aaralan namin mga request na yan,” ani Bautista.

“Other trains MRT3 at LRT2 naghihingi din ng increase train service,” dagdag pa niya. RNT/JGC