Taas-presyo ng mga bilihin, bibilis pa dahil sa Russia-Ukraine war – BSP

Taas-presyo ng mga bilihin, bibilis pa dahil sa Russia-Ukraine war – BSP

March 24, 2022 @ 6:19 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang patataasin pa ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine ang global at domestic prices ng krudo na magtutulak sa inflation na malampasan ang target range ng gobyerno na 2% hanggang 4%, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, inaasahang sisipa sa 4.3% ang inflation rate sa bans ana mas mataas sa 3.7% outlook sa isinagawang Monetary Board policy meeting noong Pebrero.

Itinaas din sa 3.6% mula sa 3.3% ang pagtaya sa inflation para sa taong 2023.

“Latest baseline forecasts have increased from the previous monetary policy meeting, reflecting the impact of higher global commodity commodity prices,” sabi ni BSP Governor Benjamin Diokno sa isang virtual briefing.

“Inflation expectations have likewise risen but continue to be anchored to the 2% to 4% target band.”

Paliwanag ni Diokno, maaari kasing maapektuhan ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Nabatid na ang Russia at Ukraine ay ang mjor exporters ng mga key commodity gaya ng langis, harina, aluminum, natural gas at abono o pataba.

Itinuro rin ni BSP Deputy Governor for the Monetary and Economics Sector Francisco Dakila Jr. ang inaasahang pagtaas ng inflation sa pagsipa ng global oil at non-oil prices.

Kung maaalala, 11 sunod-sunod na linggong nagmahal ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa bago nagkaroon ng rollback ngayong linggo.

“Sustained increases in domestic oil prices may result in a disanchoring of inflation expectations which could lead to second round effects and further dampen domestic demand,” ani pa Diokno.

“Given the potential broadening of price pressures over the near term, the BSP stands ready to respond to the buildup in inflation pressures that can disanchor inflation expectations, in keeping with its price and financial stability objectives,” dagdag niya. RNT/ JCM