Most wanted sa pagpatay, nalambat ng Navotas police sa Cavite

March 23, 2023 @10:59 AM
Views: 3
MANILA, Philippines – Natapos na ang pagtatago sa batas ng isang lalaki na listed bilang most wanted sa pagpatay matapos siyang madakma ng mga tauhan ng Navotas City Police sa kanyang pinagtataguan sa Bacoor, Cavite, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Kenny Dee Avila, 34 at residente ng Aroma Longos, Sapote 5, Bacoor, Cavite.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na nagtatago sa Cavite ang akusado.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga tauhan ng WSS, kasama ang Intelligence Section sa pangunguna ni PCMS Generoso Gagatiga na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-3:45 ng hapon sa Aroma Longos, Sapote 5, Bacoor, Cavite.
Si Avila ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 170, Malabon City noong Hunyo 16, 2010 para sa kasong Murder at walang inirekomnedang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pinuri naman ni BGen Peñones ang Navotas CPS sa pamumuno ni Col. Umipig sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto kay Avila. Boysan Buenaventura
30 Pinoy apektado sa gumuhong gusali sa Qatar

March 23, 2023 @10:54 AM
Views: 7
QATAR – Aabot sa 30 Filipino ang apektado makaraang gumuho ang isang apat na palapag na gusali sa Qatar nitong Miyerkules, Marso 22.
Sa pahayag, sinabi ng Philippine Embassy sa Qatar na kasalukuyan na nilang tinutugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong indibidwal at inaalam na rin kung anong tulong ang maaari pa nilang maibigay.
Hinimok din ng embahada ang Filipino community na kamustahin ang mga kaibigan at pamilya ng mga ito na naninirahan sa kalapit na lugar.
Ayon sa mga awtoridad sa Qatar, isa katao ang nasawi nang gumuho ang gusali sa Bin Durham Miyerkules ng umaga. RNT/JGC
Pagbabawal ng Konstitusyon sa nuclear weapon, nais maalis ni Enrile

March 23, 2023 @10:41 AM
Views: 14
MANILA, Philippines – Nais ni Chief Presidential Legal Adviser Juan Ponce Enrile na alisin sa 1987 Constitution ang pagbabawal sa nuclear weapon, sabay-sabing ito ay isa sa “most unwanted provision.”
Ang sinabing ito ni Enrile ay kasabay ng kanyang pagdalo sa public hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments Revisions of Laws and Codes, base na rin sa imbitasyon sa kanya ni Committee chairperson Senator Robinhood Padilla.
“We must now remove the restriction imposed by the Cory (Aquino) administration on this country and her people not to have any nuclear weapons in the country. I think in my personal opinion that is the most serious and unwanted provision in the Constitution,” ani Enrile.
Kasabay ng media briefing, sinabi naman ni Padilla na ang isyu sa nuclear provisions ay mapag-uusapan din sa oras na matapos na sila sa pagdinig sa mga economic provision, sabay-sabing pabor siya sa naturang panukala.
Aniya, nang magawa ang Konstitusyon ay kaunti pa lamang ang mga bansa na gumagamit ng nuclear bilang source of energy.
Dagdag pa ni Padilla, inimbitahan niya si Enrile na maikukunsiderang “legal luminary” kung saan ang mga kaalaman nito at karanasan sa Konstitusyon ay hindi na kwestyonable.
Sa ilalim ng Article II Section 8 ng 1987 Constitution, ipinagbabawal ang presensya ng alinmang nuclear weapon sa Pilipinas, sa pahayag na “the Philippines, consistent with the national interest, adopts and pursues a policy of freedom from nuclear weapons in its territory.”
Ipinaliwanag ni Enrile na sa panahon ngayon, mapoprotektahan ng isang maliit na bansa ang kanilang soberanya laban sa mga superpowers kung sila ay mayroong nuclear weapon.
“If we can afford it we should also have nuclear weapons so our people will not be trampled upon let alone made a ‘tuta’ or ‘alipin’ of other countries,” dagdag pa ni Enrile.
Sa kasabay na pagdinig, sinabi rin niya na suportado niya ang proposal ng economic provisions ni Padilla.
Patungkol naman sa pamamaraan ng charter change, ani Enrile, mas gusto niya ang constitutional assembly ng senador sa halip na ang bersyon ng Kamara na constitutional convention (con-con).
“Now I know that Congress has passed a proposed constitutional convention to do the job that you’re doing. I would also caution them, caution you, because to do a con-con instead of a con-ass will be a disservice to the people of this country.” RNT/JGC
Calendar of activities sa BSKE ‘di apektado sa pag-urong sa COC filing

March 23, 2023 @10:28 AM
Views: 16
MANILA, Philippines – Hindi maaapektuhan ang calendar of activities para sa October 30 polls o Barangay at Sangguniang Kabataang election sa pagpapalit ng iskedyul ng Certificate of Candidacy filing.
Ayon ito sa Commission on Elections (Comelec) makaraang ire-schedule ang COC filing sa August 28 hanggang Setyembre 2 sa halip na mula Hulyo 3 hanggang 7.
“No, it’s a manual election so the names of candidates are not printed,” pahayag ni Garcia nang tanungin kung maaapektuhan ng pagpapalit ng iskedyul ng filing ng COC para sa 2023 BSKE election.
Una rito, nanawagan si Senator Francis Tolentino sa Comelec na isuspinde ang filing period na unang itinakda mula Hulyo hanggang Agosto.
Sa Resolution No. 10899, itinakda ng Comelec ang paghahain sa Hulyo 3 hanggang 7 para magkaroon ng mas maraming oras para tanggapin at lutasin ang mga kaso ng disqualification at nuisance. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Bicam report sa AFP fixed term law niratipikahan na ng Kongreso

March 23, 2023 @10:15 AM
Views: 16