Taas-presyo sa petrolyo asahan sa susunod na linggo

Taas-presyo sa petrolyo asahan sa susunod na linggo

October 14, 2022 @ 1:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dapat nang paghandaan ng mga motorista ang nagbabadya na naman na panibagong bugso ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang inihayag ng mga nasa industriya batay sa naging oil trading mula Oktubre 10 hanggang 13, na magdudulot ng P2.40 hanggang P2.70 dagdag sa presyo kada litro ng diesel.

Inaasahan naman ang P0.60 hanggang P0.90 kada litro na taas presyo sa gasolina.

Karaniwan inaanunsyo ang taas-presyo sa petrolyo tuwing Lunes at ipinatutupad naman sa kasunod na araw nito.

Noong Oktubre 11, matatandaan na nagkaroon ng malakihang taas-presyo lalo na sa diesel na umabot sa P6.85 kada litro, P1.20 kada litro sa gasolina samantala P3.50 sa kada litro ng kerosene. RNT/JGC