Tuloy-kaso vs tserman na nanuntok ng MMDA worker

MANILA, Philippines – SASAMPAHAN ng kasong kriminal at administratibo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang punong barangay na sumuntok sa isang tauhan ng nasabing ahensiya sa isinagawang clearing operations sa Dagupan Extension sa Tondo, Maynila noong nakaraang buwan.
Ito ang ipinahayag ni MMDA acting chair Don Artes kasabay ng isinagawang inspeksyon sa clearing operations sa Dagupan Street nitong Martes kung saan susuportahan aniya nito ang kanilang mga manggagawa na sinasalakay sa kanilang tungkulin.
Ang mga road clearance operations, aniya, ay ginagawa sa ilang mga kalsada na ginagamit bilang alternatibong ruta na may mga sagabal na nakakaapekto sa daloy ng trapiko.
Aniya, nalinis ang Road 10 Yuseco Extension sa Dagupan St. dahil ginagamit ito bilang pangunahing alternatibong daan na papasok at palabas ng mga daungan sa Maynila.
“The agency will coordinate with the police to ensure peace and order in the area where we are conducting clearing operations. This is to avoid incidents where personnel from our teams are injured or harmed by violators,” ani Artes.
Umapela naman ang opisyal sa publiko na huwag gumamit ng karahasan sa panahon ng mga insidenteng ito dahil ang mga tauhan ng MMDA ay maaaring makipag-ayos at itinuro na sundin ang maximum tolerance sa lahat ng oras.
Sa isinagawang inspeksyon, sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina na ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng mga lugar na ito ay nasa responsibilidad ng barangay chairperson.
“The DILG will monitor the cleared areas. Should the barangay captain fail to maintain the cleanliness of their areas of jurisdiction, they will face appropriate sanctions,” ani Valmocina.
Matatandaan na nitong Enero 24 ay sinuntok umano ni Barangay 51 chairperson Rommel Bravo ang isang miyembro ng MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit sa isang clearance operation sa Mabuhay Lane sa Dagupan extension.
Nagsimula ang alitan nang subukan ni Bravo na pigilan ang tauhan ng MMDA na tanggalin ang water compressor ng kanyang self-service car wash na ginamit umano para magbigay ng karagdagang pondo sa barangay. Jay Reyes
Poe: ‘Bukas-maleta’ sa NAIA, isawata

Naghain ng resolusyon si Senador Grace Poe na humihimok sa Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) na tugunan ang mga insidente ng “Bukas Maleta” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
“‘Bukas Maleta’ incidents in our airports should not be the norm and must be properly address by the Department of Transportation and the Manila International Airport Authority, in accordance with the redress provided under the Air Passenger Bill of Rights and the Montreal Convention, for the peace of mind of all air passengers sojourning our airports,” ani Poe sa inihaing Resolution 463.
“Existing protocols in handling passenger baggage in airports must be evaluated and strengthened considering that these incidents reinforce our unfortunate image as the world’s worst airport, and, ultimately, affect the country negatively,” dagdag niya pa rito.
Binanggit ni Poe ang maraming ulat ng mga ninakaw na gamit at mga nasira na bagahe ng mga pasahero sa eroplano pagdating sa NAIA, partikular ang mga kaso ng mga pasaherong sina Efren San Seastian, Ady Cotoco, vlogger Vanjo Merano, at aktres at Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez.
“Ang mga insidenteng ito ay nagpapatunay na ang mga ninakaw at nasirang bagahe ay paulit-ulit na problema sa NAIA. Noong 2015 pa lang, natagpuan na ng mga airport intelligence agents ang [alahas], wristwatches, kumot, at ilang padlock sa loob ng locker ng anim na baggage handler sa NAIA Terminal 3,” dagdag pa ni Poe.
Dagdag pa ng senador, negatibong nakaapekto sa ekonomiya at reputasyon ng Pilipinas sa international community ang mga ganitong insidente, na naging dahilan upang hindi makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista at mamumuhunan. RNT
Pinas magpapadala ng rescue teams sa Turkey

Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtatalaga sila ng 33 tauhan ng militar para tumulong sa patuloy na search and rescue operations sa Turkey na niyanig ng magnitude 7.8 na lindol noong Lunes.
“Nagpapadala kami ng dalawang grupo, mula sa Army at Air Force. A total of 33 personnel — 21 from the Army, 12 from the Air Force,” ani ayon kay AFP chief-of-staff Gen. Andres Centino.
Sinabi ni Centino na pinayuhan niya ang mga tropa na maghanda para sa malamig na panahon ng Turkey, na bababa sa 3 degrees Celsius sa susunod na dalawang linggo, ayon sa mga pagtataya.
Magbibigay ang AFP ng tamang damit at kagamitan habang inihahanda ang mga kaayusan sa seguridad. RNT
Regional specialty hospitals itayo na – solons

MANILA, Philippines – Kapit-bisig na isinusulong nina Congressmen Paolo Duterte at Eric Yap na magkaroon ng special hospital sa ibat ibang bahagi ng bansa upang tumugon sa pangangailangang medikal ng bawat mamamayang Pilipino.
Ito ay sa pamamagitan ng isinampang panukalang batas bilang 6857 na tinawag na Regional Specialty Hospitals Act na layong makapagtayo ng regional branches ng mga specialty hospitals sa bansa tulad ng Philippine Heart Center, National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, Philippine Children’s Medical Center at Philippine Cancer Center.
“This is to provide access to affordable and quality healthcare services to all Filipinos, through the provision of specialty hospitals in the different regions of the country,” pahayag ni Duterte.
Aniya pa na mas makabubuting mayroon ding mga specialty hospital sa mga rehiyon sa bansa upang hindi na magpapagod at magsasayang ng oras ang mga taga probinsiya para magpunta sa mga naturang specialty hospital na matatagpuan lamang sa Metro Manila.
“However, in order to afford the expertise of the hospitals’ medical professionals and its advanced amenities and equipment, patients are being encumbered by the additional expenses on transportation and accommodation for their medical needs to be catered, most especially those that are from far-flung areas or provinces,” dagdag ni Duterte.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Congressman Yap na ang Department of Health (DOH) ay nagsasagawa na ng development plan para sa specialty care bilang bahagi ng Philippine Health Facility Development Plan (PHFDP) 2020-2040 na kapapalooban ng paglikha ng 328 specialty centers sa lahat ng rehiyon sa bansa.
“In addition, no less than the Local Government Code of 1991 (LGC) itself has devolved the health services to the LGUs with the objective of making quality health services easily accessible to every Filipino. The case of decentralizing specialty hospitals are no different,” sabi pa ni Yap.
Ang panukalang batas oras na maisabatas ay magkakaroon ng kahit isang specialty hospital na itatayo sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, Northern Mindanao, at Southern Mindanao. RNT
PMFTC hinirang muling PH Top Employer

KAMAKAILAN lamang ay muling kinilala ang PMFTC Inc., local affiliate ng Philip Morris International (PMI), bilang “Top Employer in the Philippines” para sa ikaapat na sunod-sunod na taon.
Ito’y bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kagalingan ng kompanya sa human resources at talent management.
“To be recognized as the Top Employer for four years now is no small accomplishment and one that we take to heart. It is an incredible testament to PMFTC’s long-term dedication to embedding inclusion in our company policies and nurturing an engaging working environment where our employees can bring their best selves to work,” ayon kay PMFTC Director of People and Culture Andreea Chiriac.
Ang Top Employee Certification ay isang proseso na nagpapakita o nagpapatunay sa mga independent auditor ng commitment ng kompanya para sa maganda at mahusay na “Human Resource processes, equity, diversity, at inclusion” sa pamamagitan ng panayam sa mga empleyado, surveys at documented evidence.
“We continue to invest in our talent and foster a culture of positivity. This for us is the workplace of tomorrow – one that celebrates our differences, focuses on mental and physical wellbeing, meets the needs of globally-diverse workforce and optimizes new technologies to enable our workforce to act and lead with purpose,” dagdag na pahayag ni Chiriac.
“We are humbled and grateful to again receive this recognition as an employer of choice. When we committed to our vision of a smoke-free future, that led us down an exciting journey of not only innovating our products to help the millions of adult Filipino smokers who would otherwise continue to smoke, but to also transform our organization, our people and our culture. Our people have been instrumental in this journey to achieve our vision. This certification recognizes the progress we’re making as part of our transformation,” ayon naman kay PMFTC Communications Director Dave Gomez.
Ang Top Employer certification ay resulta ng independent assessment ng Top Employers Institute, na kinilala ng “parent company” ng PMFTC, PMI, bilang Global Top Employer para sa ikapitong magkakasunod na taon.
Kinilala rin ang affiliates ng PMI bilang leading employers sa 33 bansa gaya sa buong Europa, Gitnang Silangan, Africa, at Asya-Pasipiko.
Sa loob ng 30 taon, ang Top Employers Institute (TEI) ay naging global authority sa pagkilala sa kahusayan sa kasanayan ng mga tao.
Tumutulong ang TEI para “accelerate these practices to enrich the world of work.”
Ang mga lumahok na kompanya ay maaaring “validated, certified, and recognized as an employer of choice through the Top Employers Institute certification program.”
Sinertipikahan naman ng Top Employers Institute ang 2,053 organisasyon sa 121 bansa/ rehiyon.
Ang mga sertipikadong Top Employers ay positibong nakaapekto sa buhay ng mahigit sa 9 milyong empleyado sa buong mundo.
Ang PMFTC Inc. ay isang agriculture at consumer products company na siyang nangunguna na baguhin ang buong Philippine tobacco industry. Isang business combination sa pagitan ng LT Group Inc. at Philip Morris International (PMI), ang PMFTC Inc. ay isang “employer of choice; isang major leaf buyer at taxpayer; at katuwang sa law enforcement.”
company that’s leading change across the Philippine tobacco industry. A business combination between LT Group Inc. and Philip Morris International (PMI), PMFTC Inc. is an employer of choice; a major leaf buyer and taxpayer; and a partner to law enforcement.
“Around the world, PMI is building a future on a new category of smoke-free products that, while not risk free, are a much better choice than continued smoking due to the elimination of combustion — the primary cause of smoking-related problems.,” ayon sa PMFTC.
“Through multidisciplinary capabilities in science and technology, PMI aims to ensure that our smoke-free products meet adult consumer preferences and rigorous regulatory requirements. As the market leader, we are committed to offering adult consumers who would otherwise continue to smoke better alternatives and playing an active role in making Philippine society smoke-free,” dagdag na pahayag ng PMFTC. RNT