Taas-presyo sa produktong petrolyo, gugulong sa Martes

Taas-presyo sa produktong petrolyo, gugulong sa Martes

October 17, 2022 @ 12:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng mga kompanya ng langis nitong Lunes ang panibagong pump price hike, sa ikalawang sunod na linggo ng malakihang taas-presyo.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. na madaragdagan ang presyo ng gasolina ng P0.80, diesel ng P2.70, at kerosene ng P2.90.

Ipatutupad ng Cleanfuel ang parehong adjustments, maliban sa kerosene.

Epektibo ito pagsapit ng alas-6 ng umaga sa lahat ng kompanya, maliban sa Cleanfuel, na ikakasa ang pagbabago ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.

Hindi pa nag-aanunsyo ang ilang kompanya ng pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo.

Nitong nakaraang linggo ay umakyat na ang presyo kada litro ng gasolina ng P1.20, diesel ng P6.85, at kerosene ng P3.50. RNT/SA