Taas-presyo sa produktong petrolyo, kasado sa Martes

Taas-presyo sa produktong petrolyo, kasado sa Martes

January 23, 2023 @ 12:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang magpatupad ng oil firms ng major hike sa presyo ng petroleum products sa Martes, sa ikalawang sunod na linggo ng taas-presyo sa bansa.

Sa abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na tataasan nito ang presyo kada litro ng gasolina ng P2.80, diesel ng P2.25, ar kerosene ng P2.40.

Ipatutupad ng Cleanfuel ang parehong pagbabago sa presyo, maliban sa kerosene.

Epektibo ito mula alas-6 ng umaga sa Martes, para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-aadjust ng presyo sa parehong araw, alas-4:01 ng hapon.

Hindi pa nag-aanunsyo ang ilang kompanya hinggil dito.

Nitong nakaraang linggo ay nagkasa ang oil firms ng taas-presyo kada litro ng gasolina ng P0.95, diesel bf P0.50, at kerosene ng P0.15. RNT/SA