Taas-presyo sa school supplies, bantayan-solon

Taas-presyo sa school supplies, bantayan-solon

July 17, 2022 @ 11:34 AM 4 weeks ago


Kasunud ng plano ng Department of Education(Deped) ng pagbabalik ng face to face classes sa Nobyembre, hiniling ni Quezon City Rep Ralph Tulfo sa Department of Trade and Industry (DTI) na ngayon pa lamang ay tutukan na ang presyo ng school supplies.

Ayon kay Tulfo nangangamba sya sa posibleng price hike sa presyo ng school supplies kaya naman habang maaga ay maresolba na ng DTI.

“I am wary of probable high prices of school supplies, school uniforms, and shoes now that campuses will soon reopen for face-to-face classes. Tuwing tumataas po kasi ang demand para sa isang produkto, maaaring tumaas din ang presyo nito. If school supplies price increases and tuition hikes are not reasonably tempered, many students might postpone their return to school,” paliwanag ni Tulfo.

Hiniling ng bagitong solon sa DTI na magpatupad ng price ceilings sa school supplies.

” the DTI and the local chief executives or mayors can talk with local manufacturers of school supplies to assure price and supply stability” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza