Taas-sahod, hirit ng mga guro sa sirit-presyo ng bilihin

Taas-sahod, hirit ng mga guro sa sirit-presyo ng bilihin

February 7, 2023 @ 6:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa mabilis na aksyon sa mga panukala na naglalayon na itaas ang sweldo ng mga manggagawa at empleyado sa pagsirit ng inflation.

“Ilang buwan na tayong pinapaasa ng pamahalaan na bababa na umano ang inflation rate at maiibsan na ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin, pero tuloy pa rin itong tumataas. Tumatanggi sila sa pagtataas ng sahod at sinasabing kaunting panahon na lamang ang ating pagtitiis. But obviously there is no respite in sight from this quandary but through substantial pay hike,” pahayag ni ACT chairperson Vladimer Quetua nitong Martes.

Inihayag ni Quetua ang pagkabahala hinggil sa mga prayoridad ni Marcos Jr. bilang Pangulo. Nanawagan siya kay Marcos na gawing prayoridad ang sertipikasyon ng mga panukala sa wage hikes at kinuwestiyon ang economic benefits ng malimit na foreign trips ng presidente.

“The President is set for another overseas trip, purportedly to clinch deals to better the economy, but seven trips after and we have not felt any relief. It is better for him to do his job of certifying the pay hike bills as urgent,” aniya.

“Sagad na ang higpit ng aming mga sinturon, hindi na matanggap ng mga kumakalam naming sikmura ang kanilang mga hungkag na pangako at alibi. Ang kailangan namin ay makabuluhang dagdag-sweldo, ngayon na!” dagdag ni Queta.

Tumaas pa ang Philippine inflation sa 8.7% noong January 2023, na mas mataas pa sa nakaraang peak na 8.1% noong December 2022, base sa Philippine Statistics Authority. RNT/SA