TAAS-SAHOD NG GURO SA PUBLIC, PRIVATE SCHOOLS

TAAS-SAHOD NG GURO SA PUBLIC, PRIVATE SCHOOLS

February 22, 2022 @ 8:27 PM 4 months ago


SA ating muling pagsabak sa eleksyon sa Mayo, isa sa tututukan ng Una Ang Edukasyon ang salary standardization hindi lang sa pampubliko kundi maging sa pribadong mga eskwelahan.

Kalakip po nito ang pagsusulong na maisabatas ang salary standardization para maiangat ang sweldo ng ating mga guro sa public at private schools.

Napakarami rin pong guro sa pribadong paaralan, kaya kasama sila sa ating misyon na maiangat din ang sweldo ng lahat ng guro.

Kailangan ding tutukan ang well being ng teachers para maging mas epektibong bahagi sila ng akademya, gayundin ang continuing professional education para hindi mabiktima ang ibang guro sa napakamahal na bayad sa mga seminar na dapat libreng ibinibigay sa mga guro tuwing ika-dalawang taon.

 MAHIGPIT NA PAGBABANTAL SA F2F CLASSES

Sa panahong ito, kinakailangan na mahigpit na bantayan ng Department of Education ang muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa klase, partikular sa elementarya.

Hindi po dapat maging kampante ang DepEd kundi tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa COVID-19.

Marapat na tiyakin din ng DepEd na bakunado na ang lahat ng guro at mga bata sa pagbabalik ng face to face class.

Dapat ipaalala pa rin natin lalo na sa mga bata, ang palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at physical distancing para maiwasan ang sakit.

Paalala lang sa bawat isa na kahit na bakunado, maaari pa rin mahawa tayo sa COVID-19.

Ipinag-utos ng DepEd na balik limited face-to-face na ang mga mag-aaral sa mga lugar na nasa Alert Level 2 kaya naman naka handa rin tayo na magbantay para matiyak na maging matagumpay ang face-to-face classes.

¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†—000—000—000—

Para sa inyong mga komento o sumbong, maaari po kayong tumawag o mag text sa ating 1-Ang Edukasyon Party-list Hotline: 0927.930.25.81 at makaka asa po kayo sa agarang tugon ng inyong mga mensahe.