Taas-sahod sa gov’t employees sa 2023, tiniyak ng DBM

Taas-sahod sa gov’t employees sa 2023, tiniyak ng DBM

November 24, 2022 @ 11:54 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa susunod na taon.

Tugon ito ng departamento sa hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga empleyado ng gobyerno.

“The Department of Budget and Management (DBM) wishes to note that the last tranche of the modification of the salary schedule for civilian personnel pursuant to Republic Act No. 11466 or the Salary Standardization Law V will be implemented in 2023. Hence, government employees concerned will have another salary adjustment by next year,” ayon sa DBM.

Paliwanag ng DBM, huhugutin ang 2023 salary adjustment sa last tranche sa bisa ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5 na ipatutupad sa susunod na taon. Kris Jose