Taas-sahod sa manggagawa tatalakayin na sa Kamara

Taas-sahod sa manggagawa tatalakayin na sa Kamara

March 12, 2022 @ 11:52 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Upang makasabay ang mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at sa epekto ng pandemic, isinusulong ni House Committee on Labor and Employment na magkaroon na ng pagtaas sa minimum na sahod sa Pilipinas.

Ayon kay 1-PACMAN Party-list Rep. Enrico Pineda tatalakayin ng kanyang komite sa Marso 17 ang pag-amyenda sa Labor Code of the Philippines at kasabay nito ay kanila ring pag-aaralan ang posibilidad sa wage increase.

“It’s high time we raise the minimum wage, considering the rising costs of goods and the effects of the pandemic,” ani Pineda.

“The effect of the rising gas prices is that everything also goes up. Further, additional expenses are now necessary due to the pandemic. People need to buy masks, vitamins, disinfecting materials, and spend on testing. How do we expect our workers to keep up without any increase in their salaries?” dagdag pa niya.

Sinabi ni Pineda na noong Pebrero 2020 ay natalakay na ang pagtaas sa sahod ng mga manggagawa ngunit hindi ito natapos kaya naman ngayon na may pagtaas ng presyo ng langis at pangunahing bilihin ay maaari nang isulong muli.

“We will open deliberations once again also so that we can have some discussions on the feasibility of raising minimum wage through the National Wages and Productivity Commission (NWPC),” dagdag pa ni Pineda.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kanya nang iniutos sa lahat ng wage boards sa buong bansa na tignan ang posibilidad ng wage hike. Gail Mendoza