Taas-sahod sa mga duktor, inihirit sa Kamara

Taas-sahod sa mga duktor, inihirit sa Kamara

August 29, 2022 @ 11:34 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinapanukala ng isang solon na gawing salary grade 23 mula sa salary grade 21 ang sahod ng mga doktor sa harap na rin ng patuloy na panganib sa kanilang  kalusugan dahil  COVID-19 pandemic.

Sa House Bill 1682 ni  Quezon City Rep Patrick Michael Vargas iginiit nito na nararapat lamang na taasan ang sahod ng mga doktor dahil sila ang una sa laban sa COVID 19.

 “This increase in salary grade for our government medical doctors reflects the need for just compensation for our heroes amidst public health crises and continued delivery of health services to the public,” ani Vargas.

Ang Salary Grade 21 ay katumbas ng ₱62,449 habang ang  Salary Grade 23 ay nasa ₱78,455. Gail Mendoza