Taas-sahod sa mga gurong tatao sa eleksyon, aprub sa Comelec

Taas-sahod sa mga gurong tatao sa eleksyon, aprub sa Comelec

June 4, 2021 @ 7:12 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Commission on Elections ang panukala na taasan ang sahod at benepisyo ng mga gurong magbabantay sa 2022 elections, ayon sa Department of Education.

“We want to express our gratitude to the Comelec for approving our request for higher compensation for our teachers who will render their services in the next year’s elections. Given the current health situation, it is rightful for them to receive additional allowances,” ani Education Secretary Leonor Briones.

Pebrero nang ilatag ni Briones ang panukala dahil sa nararanasang pandemya.

Ayon sa kanya na sinuportahan ng Comelec ang hiling ng DepEd na dagdag-sahod na P3,000.

Ang mga guro na magsisilbi bilang chairpersons ng electoral boards ay makatatanggap na ngayon ng β‚±9,000 mula sa dating β‚±6,000 habang ang board members ay makatatanggap na ng β‚±8,000 mula sa dating β‚±5,000.

Ang honoraria para sa DepEd Supervisor Official (DESO) at support staff ay tataas sa β‚±7,000 at β‚±5,000, base sa pagkakasunod.

May bayad na rin transportasyon, pagkain, water allowance, at clean-up, repair expense na nakasama sa budget para sa 2022 elections.

“Other benefits such as on-site swab testing, shifting, and working hours of public school teachers in the EB (electoral board), tax exemption, and any absence/transfer/leave of DepEd employees due to election-related incidents will still be studied by the Commission and the Department,” ayon pa sa DepEd. RNT