Taas-singil sa kuryente, nakaamba sa Malampaya maintenance shutdown

Taas-singil sa kuryente, nakaamba sa Malampaya maintenance shutdown

January 28, 2023 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) na posibleng makaapekto ang two-week maintenance shutdown ng Malampaya Deepwater Gas-to-Power facility sa gastos nito sa operasyon na magreresulta sa posibleng taas-singil sa consumer electricity bills.

Ayon sa ulat, kasadoa ng maintenance period mula Pebrero 4 hanggang 18.

“Hindi siya magpo-produce ng gas. ‘Yung Malampaya, nade-deplete na siya. So pababa po nang pababa yung napo-produce niya per day,” paliwanag ni DOE Undersectrary Rowena Cristina Guevara.

Dahil walang natural gas na magagamit para makapag-produce ng kuryente mula sa Malampaya, sinabi ng Meralco na mapipilitan silang kumuha ng fuel mula sa alternative sources.

Ang Malampaya natural gas sa Palawan ang nagpapatakbo sa power plants na nagsusuplay ng halos 2,000 megawatts sa Meralco.

“So around 40% yan of our energy requirements,” ani Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

“Historically, everytime Malampaya goes on a maintenance shut down, nagkakaroon ito ng impact sa cost. … Maraming factors in play. This is just one of them but we have to wait for all the final billings from the suppliers when the time comes,” dagdag niya.

Sinabi ng Meralco official na posibleng maramdaman ang epekto sa March billing ng consumers.

Hinikayat naman ng Department of Energy ang iba pang power plants na umiwas sa pagsasagawa ng maintenance para sa patuloy na suplay ng enerhiya. RNT/SA