Taas-sweldo sa 2023, magiging mahirap – grupo

Taas-sweldo sa 2023, magiging mahirap – grupo

November 12, 2022 @ 12:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Management Association of the Philippines nitong Biyernes na magiging mahirap para sa mga kompanya na itaas ang sahod ng mga empleyado sa susunod na taon.

Napag-alaman sa pag-aaral kamakailan na inaasahan ang pagtataas ng sahod dahil sa tight labor market at inflation concerns.

Subalit ang dagdag-dahod ay magiging “very hard because a lot of businesses are still catching up,” ani MAP Vice President Donald Lim. “You increase that by 6-8%, that really removes all the margins and all the profitability of any company,” patuloy niya.

Nauna nang iulat ng employment consultancy firm Willis Tower Watsonna batay sa pagtataya, tataasan ng employers ang kanilang salary budget para sa susunod na taon na may median hike na 5.7%.

Iginiit ni Lim na sa halip ay pwedeng magkasa ang mga kompanya ng hybrid work setup.

“So that it lessens their expenses also going to work, we have to look at the process rather than just giving a generalized ‘Okay, let’s increase salaries because we have no choice because of inflation,'” sabi niya.

Lumobo pa ang inflation rate sa 7.7% nitong Oktubre, pinakamataas mula Disyembre 2008. RNT/SA