Tabuk City, Kalinga magdedeklara ng state of calamity sa dengue

Tabuk City, Kalinga magdedeklara ng state of calamity sa dengue

August 4, 2022 @ 6:52 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng lokal na pamahalaan ng Tabuk City, Kalinga ay ang pagdedeklara ng state of calamity dahil sa “exponential rise in dengue cases.”

Sa isang emergency meeting, sinabi ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) na pinamumunuan ni Mayor Darwin Estrañero na hihilingin niya sa Sangguniang Panlungsod na magsagawa ng special session sa parehong araw para aprubahan ang deklarasyon.

Sinabi niya na ito ay magbibigay-daan para magamit ng responders ang quick response fund ng lungsod.

Sinabi ng alkalde na kabilang sa mga hakbang ay ang pagsasagawa ng fogging, misting, at panlabas at panloob na residual spraying ng mga bahay at paaralan bago ang pagsisimula ng face-to-face classes ngayong buwan.

Sinabi ni Estrañero na maglalabas din siya ng executive order na nagpapakilos sa barangay health emergency response teams para tumulong sa community-wide anti-dengue measures.

Sa datos ng City Health Services Office (CHSO) nakapagtala sila ng 1,758% na pagtaas sa mga kaso ng dengue na naiulat ngayong taon, kung saan 762 ang naitala noong Hulyo 30, 2022.

Sinabi ni CHSO chief Dr. Henrietta Bagayao na hindi bababa sa 83 pasyente ang kasalukuyang nasa pampubliko at pribadong ospital sa lungsod, habang tatlong pasyente ang namatay.

Sinabi rin ng CHSO na magsasagawa sila ng blood drive sa city hall sa Biyernes para sa mga pasyente.

Umapela rin ito sa mga residente na gumawa ng preventive measures sa bahay.

Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes na 82,597 dengue cases ang naitala sa bansa mula noong Enero.

Nanawagan din ang DOH sa publiko na sundin at gamitin ang estratehiyang 4S: hanapin at sirain ang mga lugar ng pag-aanak; ligtas na proteksyon sa sarili; humingi ng maagang medikal na konsultasyon; at suportahan ang fogging o pag-spray sa mga lugar ng hotspot.