Taga-Makati wagi ng P495M Lotto jackpot

Taga-Makati wagi ng P495M Lotto jackpot

January 31, 2022 @ 12:40 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Wagi ang taga-Makati City ng P49.5 milyong jackpot prize sa Ultra 6/58 draw.

Sa kalatas, inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na swak na nahulaan ang kombinasyong 22-02-14-30-10-35.

Nasa 28 mananaya naman ang nanalo ng tag-P120,000.

Habang tag-P2,000 naman ang napanalunan ng 1,115 mananaya sa apat na tamang number combination.

Tag-P100 naman ang 18,593 mananaya nang mahulaan ang tatlong digit. RNT/FGDC