Tagay pa! Gin, hindi malalaos hanggang 2021- study

Tagay pa! Gin, hindi malalaos hanggang 2021- study

July 22, 2018 @ 2:49 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi maitatanggi sa kulturang Pinoy ang pagkahilig sa Gin.

Tagay dito, tagay d’yan! Kapag may birthday, okasyon, hindi talaga mawawala ang alak, lalong lalo na ang Gin.

Kaya naman ang mgandang balita, ayon sa isang pag-aaral, ang Gin ay hindi malalaos sa buong mundo at inaasahan pang lalawak ang benta nito hanggang 2021.

Ito ay ayon sa bagong pag-aaral mula sa industry publication just-drinks at market research group IWSR na nagsasabing ang tumaas na benta ng gin sa buong mundo ay tataas pa hanggang 2021.

Noong nakaraang taon, tumaas ang kita ng gin ng nasa 7% kumpara sa noong nakaraang taon, na nasa 35 million nine-liter cases.

Sa top 50 market, 39 ang nakaramdam ng pagtaas habang 19 naman dito ang nagsabing doble ang numero ng nasabing benta.

Nangunguna sa konsyumer ng gin ay ang Europe, ayon sa ulat ng industriya.

At sa kasagsagan ng kasikatan ng gin sa Europe, umabot sa mahigit sa five million nine-liter case point ang naibenta sa Spain nang dahil sa flavored gin, ayon pa sa ulat.

Tumaas rin ang benta sa United Kingdom, Germany, Italy at France. (Remate News Team)