Tagle, iba pa, tinanggal sa Caritas Internationalis ni Pope Francis

Tagle, iba pa, tinanggal sa Caritas Internationalis ni Pope Francis

November 23, 2022 @ 1:56 PM 5 days ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pope Francis ang pagtanggal sa mga lider ng Caritas Internationalis kabilang na si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang presidente nito, upang baguhin ang kasalukuyang regulatory framework ng kompederasyon.

“It would appear necessary to revise the current regulatory framework to make it more appropriate to the statutory functions of the organization, and to prepare it for the elections to be held at the next General Assembly. With the fervent wish to facilitate the envisaged renewal of the Institution,” saad sa Decree na may petsang Nobyembre 11.

Ayon sa Catholic News Agency, isang independent review ang nakatuklas ng mga kakulangan sa Caritas Internationalis sa pamumuno at mga pamamaraan na lubhang nakaaapekto sa team-spirit at morale ng kanilang mga staff.

Isasagawa naman sa Mayo 2023 ang susunod na general assembly kung saan maghahalal ng mga bagong opisyal para sa apat na taong panunungkulan ng mga ito.

Ayon sa Decree, itinalaga muna ni Pope Francis si Pier Francesco Pinelli bilang Temporary Administrator (Commissario straordinario in the original Decree) ng Caritas Internationalis.

Itinalaga rin niya si Maria Amparo Alonso Escobar at Rev. P. Manuel Morujão, S.J., na magiging katuwang ni Pinelli sa “personal and spiritual accompaniment of the employees.”

“With the entry into force of this measure, the Members of the Representative Council and the Executive Council, the President and Vice Presidents, the Secretary General, the Treasurer and the Ecclesiastical Assistant shall cease from their respective offices.”

Sa kabila nito, tutulungan pa rin ni Tagle si Pinelli sa paghahanda para sa general assembly.

Matatandaan na nahalal si Tagle bilang pinuno ng Caritas noong 2015 at ang kauna-unahang pangulo mula sa Asya.

Muli itong nahalal noong 2019 at matatapos na sana ang termino sa 2023. RNT/JGC