Tagle may bagong posisyon sa Vatican

Tagle may bagong posisyon sa Vatican

June 3, 2022 @ 10:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle sa ibang posisyon, sa pagkakataong ito bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments.

Iniulat ng Radio Veritas na ginawa ng Vatican ang appointment sa publiko noong Hunyo 1 kaugnay ng anunsyo sa iba pang mga obispo na bahagi ng opisina.

Sa ilalim ng nasabing katungkulan, ang mga pari, diakono, at iba pang ordinadong ministro na gustong gumamit ng Lumang Rito ay kinakailangang isumite ang kanilang kahilingan sa Cardinal at sumang-ayon na sundin ang mga bagong pamantayan ng simbahan.

Pinangunahan ang Congregation for Divine Worship ni Cardinal-elect Archbishop Arthur Roche na bahagi ng consistory na nakatakdang gawin sa August 27. Pinalitan nito si Cardinal Robert Sarah na magreretiro sa May 2021.

Bukod sa pagiging miyembro ni Tagle sa Dicastery for Divine Worship at the Discipline of the Sacraments, bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, pinangangasiwaan din niya ang Dicastery for Evangelizations.

Miyembro rin ang dating Manila archbishop sa ibat-ibang opisina tulad ng Congregation for Catholic Education; Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life; the Oriental Churches; Pontifical Councils; Legislative Texts; Inter-Religious Dialogue; Administration of the Patrimony of the Apostolic See; Cardinal Commission for the Supervision of the Institute for the Works of Religion and Grand Chancellor of the Pontifical University Urbaniana.

Pinamunuan din ni Tagle ang Carotas Internationals bago siya maitalaga sa Vatican office. Jocelyn Tabangcura-Domenden