Tagle, Quevedo, Advincula dumalo sa pulong sa Vatican

Tagle, Quevedo, Advincula dumalo sa pulong sa Vatican

August 31, 2022 @ 8:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ang mga kardinal na Pilipino ay sumama sa iba pang “princes of the Church” mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa isang espesyal na pagpupulong sa Vatican na tinawag ni Pope Francis.

Si Cardinal Luis Antonio Tagle, prefect ng Congregation for the Evangelization of People at dating arsobispo ng Maynila, ay nakita kasama si incumbent Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo sa harap ng Paul VI Hall noong Lunes.

Ang larawan ng tatlong cardinals mula kay Rev. Fr. Greg Gaston ay ibinahagi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at nang Archdiocese of Manila.

Si Gaston ay kasalukuyang rector ng Pontificio Collegio Filippino, kung saan karaniwang tumutuloy ang mga Pilipinong prelate tuwing bumibisita sila sa Roma.

Si Tagle ay nasa Roma mula nang siya ang manguna sa Congregation for the Evangelization of Peoples noong 2020.

Sinabi ng Vatican na ang dalawang araw na pagpupulong, na dinaluhan ng 197 kardinal na close doors , ay upang talakayin ang bagong konstitusyon ng Roman Curia — Praedicate evangelium (Ipangaral ang ebanghelyo).

Ang bagong konstitusyon, na naglalayong repormahin ang sentral na katawan ng pamahalaan ng Holy See, ay isang produkto ng mga taon ng talakayan na pinangunahan mismo ni Pope Francis kasama ang kanyang mga pinakamalapit na tagapayo.

Gayunpaman, binibigyang-kahulugan din ito ng mga tagamasid ng Vatican bilang pagtatangka ng papa na tipunin ang kanyang mga kardinal para sa isang “meet and greet.”

Bukod sa pagpupulong, dumalo rin ang mga cardinal sa ordinaryong consistory sa St. Peter’s Basilica noong Linggo para sa paglikha ng mga bagong cardinals.

Sina Tagle, Advincula, at Quevedo kasama ang iba pang mga cardinals ay nanood habang ang 20 bagong prelate ay iniluklok sa Sacred College of Cardinals ng papa. Jocelyn Tabangcura-Domenden