‘Tagpuan,’ wagi sa India!

‘Tagpuan,’ wagi sa India!

February 8, 2021 @ 3:14 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Abot tenga ang ngiti ko.”

 

Ito ang nasambit ni Congressman Alfred Vargas mkaraang tanghaling Best Feature Film ang pelikula niyang “Tagpuan” sa Chauri Chaura International Film Festival sa India.

 

Ang “Tagpuan” ay isa sa sampung kalahok sa Metro Manila Film Festival noong isang taon, na nag-third Best Picture sa Gabi ng Parangal. Supporting Actress naman si Shaina Magdayao na kasama ni Alfred sa nasabing entry.

 

Mula ito sa direksyon ni Mac Alejandre sa panulat ni Ricky Lee.

 

Ani Alfred sa pagkapanalo ng “Tagpuan” sa nasabing international film festival, “This is a testament to the Filipino creativity.”

 

Ayaw solohin ng aktor-pulitiko ang kredito dahil ang paggawa raw ng pelikula ay isang collaborative work.

 

Samantala, dagdag pogi points ito kung tuloy na tuloy na na ang pagtakbong Senador ng Kongresista sa 2022 elections. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •