Tagtuyot sa Tsina waepek sa rice supply ng Pinas-DA

Tagtuyot sa Tsina waepek sa rice supply ng Pinas-DA

September 1, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang malaking epekto sa Pilipinas ang tagtuyot sa China na maaaring magresulta sa pagbaba ng suplay ng bigas sa buong mundo.

Sa pagsasalita sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni DA Undersecretary Domingo Panganiban na may mga mekanismo ang gobyerno para palakasin ang lokal na produksyon.

“Maaaring di tayo masyadong maapektuhan ng drought sa China dahil ang ating production ay medyo maganda ngayong season na ito,” ayon pa sa kanya.

Nauna nang sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang ahensya ay walang projection ng supply shortage, dahil inaasahan nitong “90 percent rice sufficiency para sa ikatlong quarter ng taon.”

Binanggit ni De Mesa na ang bansa ay may hindi bababa sa 72 milyong metriko tonelada sa loob ng 46 na araw, habang binanggit ni Panganiban na magiging matatag ang supply habang darating ang ani sa Oktubre at Nobyembre.

Kaugnay nito bukod sa lokal na produksyon, sinabi ni Panganiban na ang DA ay maaaring mag-angkat ng bigas mula sa Vietnam, Thailand, at iba pang mga bansang may labis na lokal na produksyon. Santi Celario