Taguan ng mga armas ng CPP-NPA sa Laguna sinalakay ng PNP

Taguan ng mga armas ng CPP-NPA sa Laguna sinalakay ng PNP

March 30, 2021 @ 7:15 PM 2 years ago


LAGUNA, Philippines – Nabawi ng mga ahente ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Sta Rosa Police Station ang iba’t iba at matatas na kalibreng baril, bala at pampasabog nang salakayin ang isang taguan sa Laguna ngayong araw.

Ayon kay PNP Chief PGen Debold Sinas, sinalakay ang isang taguan ng mga armas ng CPP-NPA Special Partisan Unit (SPARU) sa Barangay Market Area, Sta Rosa, Laguna sa bisa ng search warrant na ipinalabas Charito M. Macalintal-Sawali, ng Regional Trial Court Branch 66 ng Tanauan City, Batangas.

Sinabi ni Sinas, wala si nasabing lugar ang pakay ng mga pulis si Maritess Santos David, alyas Teacher Laly, subalit itinuloy pa rin ang maayos na pagsisilbi ng search warrant na sinaksihan ng mga opisyales ng barangay.

Ayon pa kay Sinas, nakuha mula sa bahay ni David ang isang M1 cal. 30 carbine; isang M2 cal.30 automatic carbine; isang Bushmaster rifle; isang M16 ELISCO Rifle; tatlong Cal .45 Pistola; mga bala, 9 na 40mm na granada; mga kemikal na sangkap sa paggawa ng bomba; isang laptop at iba pang mga sangkap sa paggawa ng pampasabog.

Ayon pa sa hepe ng PNP, nakuha ring ebidensiya ang iba’t ibang mga dokumento laban sa pamahalaan tulad ng CPP-NPA-NDF internal publications and training materials on fundamental communist course at advanced revolutionary warfare.

“The discovery of this clandestine communist terrorist armory bolsters earlier assessment by CIDG that the CPP-NPA is maintaining staging areas and weapons storage in CALABARZON for its urban hit squads to launch attacks in Metro Manila, ” dagdag ni Sinas.

Naniniwala ang PNP na ang pagkakatuklas sa taguan ng armas ng mga rebelde ay panibagong dagok sa mga ito.

Bago pa man ang pagdiriwang ng ika-52 anibersaryo ng CPP-NPA na itinatag nina Jose Marie Sison at Bernabe Buscayno noong Marso 29, 1969, marami na sa mga kasapi nito ang sumuko sa pamahalaan kasama ng kanilang armas sapagkat hindi na nila kaya ang paghihirap na pinagdaraanan sa bundok bukod pa sa nais na nilang mamuhay ng tahimik kasama ang kanilang pamilya. Lea Botones