Taguig checkpoints inilatag para sa no vax, no ride

Taguig checkpoints inilatag para sa no vax, no ride

January 21, 2022 @ 3:32 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Naglatag ang  Safe City Task Force ng Taguig government ng vaccination checkpoints sa lungsod para sa pagpapatupad ng “No vaccination, No ride” policy ng Department of Transportation na ikinasa sa Metro Manila sa gitna ng Alert Level 3.

Sa ilalim ng polisiya hindi papayagan sa pampublikong sasakyan ang mga hindi bakunado maliban na lang kung bahagi sila ng work force. o mga trabahante.

Ayon kay Atty Clarence Santos, chairman ng Taguig Safe City Task Force, ang mga hindi bakunado na nasita sa checkpoint pero nais magpabakuna ay sinamahan sa pinakamalapit na vaccination hub.

Ang mga ayaw naman na magpabakuna ay kinakailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test o ire-refer sa Hagonoy Mega Swabbing Facility sa Taguig.

Ang mga vaccination checkpoints ay inilatag sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng transmission sa public transportation sa syudad. RNT