Tagumpay sa Manila Bay rehab sa 2021, ipinagmalaki ng DENR

Tagumpay sa Manila Bay rehab sa 2021, ipinagmalaki ng DENR

February 1, 2022 @ 6:57 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga nagawa sa Manila Bay rehabilitation program noong nakalipas na taon kahit na may mga kinaharap na problema, kasabay na rin ng pangakong mas hihigitan pa ang trabaho ngayong 2022.

Sinabi ni Secretary Roy A. Cimatu, mismong siya ay kuntento sa mga natapos ng DENR para sa rehabilitasyon ng Manila Bay noong 2021 kahit na may ilang problema dahil na rin sa “natural hazards” at ng pandemya.

“I am especially pleased with our transformation of Manila Bay. We should be more appreciative of what we have achieved thus far, despite the challenges posed by the pandemic and natural disasters over the past couple of years,” saad ni Cimatu sa kanyang mensahe sa DENR’s Expanded Executive Committee Conference noong Enero 18.

Kaugnay nito nagpasalamat din si Cimatu sa administrasyon ni Duterte dahil sa todong pagsuporta nito para sa rehabilitation program.

“Thanks to the creation in February 2019 by President Rodrigo Roa Duterte of the Inter-Agency Manila Bay Task Force, led by the DENR, to expedite the rehabilitation of the bay’s degraded coastal and marine ecosystems,” sabi ni Cimatu.

Samantala binigyang-diin din ng DENR chief ang kahalagahan at epekto ng mga interbensiyon na ginawa upang maging maayos ang water quality ng Manila Bay para maaari na itong gamitin para sa water contact activities.

“Our sewage treatment plants in three outfalls are reducing fecal coliform counts significantly in the bay’s water,” ani Cimatu.

Dagdag pa nito: “Along with solar-powered restrooms and other geoengineering interventions, our work will enable the public to enjoy swimming, boating, and fishing in the bay, hopefully by the end of my term this midyear, in addition to strolling on the dolomite beach.”

Bukod dito, tinalakay naman ni DENR Assistant Secretary for Field Operations-Luzon Gilbert Gonzales ang mga “accomplishment” ng tatlong regional offices na may hurisdiksiyon sa Manila Bay.

Aniya, 2,379 na estero rangers ang tinanggap upang magsagawa ng araw-araw na cleanup sa water bodies na dumadaloy sa Manila Bay, at siya ring tumulong sa pagkolekta ng 82 million cubic meters ng basura.

Ang DENR-National Capital Region (NCR), kung saan naroon ang konsentrasyon ng rehabilitation program, ang may pinakamaraming basurang nahakot na aabot sa 72 million cubic meters.

Umabot naman sa 249 trash traps ang nailagay upang mapigilan ang pagdaloy ng basura sa mga daluyan ng tubig patungo sa Manila Bay.  Santi Celario