Tagumpay vs COVID idineklara ng NoKor

Tagumpay vs COVID idineklara ng NoKor

August 11, 2022 @ 10:35 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Idineklara ni North Korea Kim Jong Un ang tagumpay sa laban sa COVID-19 virus at nag-utos na tanggalin ang pinakamataas nitong anti-epidemic protocol na ipinataw noong Mayo, sinabi ng state media KCNA noong Huwebes.

Hindi ibinunyag ng NoKor kung gaano karaming mga kumpirmadong impeksyon ng virus ang natagpuan nito sa bansa, ngunit mula noong Hulyo 29 ay wala itong naiulat na mga bagong pinaghihinalaang kaso.

Tinawag ni Kim na “unprecedented miracle” ang 74 katao na nasawi sa bansa bunsod ng COVID na hindi nagawa ng ibang mga bansa, dagdag pa sa ulat.

Sa kabilang banda, sinabi ng mga eksperto na ang mga ipinalalabas na numero ng North ay hindi naipapakita ang kabuuang lawak ng pinsala mula sa COVID.

Ang deklarasyon ng tagumpay ng NoKor ay sa kabila ng walang inilunsad na programa laban sa COVID at sa halip, sinabi nito na umasa lang sila sa mga lockdown, paggamit sa katutubong gamot, at ang tinatawag ni Kim na “advantageous Korean-style socialist system.” RNT