Taho con shabu buking sa Isabela

Taho con shabu buking sa Isabela

February 26, 2022 @ 10:42 AM 4 months ago


ISABELA-Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang taho vendor matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. District, 4, San Manuel dito sa nabanggit na probinsya.

Sa pinaigting na kampanya sa illegal drugs ni PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, ang suspek ay kinilalang si Arjay Yerro, 36-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Nuesa 1, Roxas, Isabela.

Ayon sa PDEA, Region 2, nahuli ang magtataho matapos nitong bentahan ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang isang libong piso (P1,000).

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang apat (4) na plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.7 grams at nagkakahalaga ng mahigit sa P4,000.

Napag-alaman na si Yerro ay kabilang sa Municipal Target Listed Drug Personality na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco