Matapos ang UP, PUP naman: Kasunduan sa pagbabawal sa sundalo, pulis kanselahin din – Duterte Youth

Manila, Philippines – Pinakakansela rin ng Duterte Youth party-list sa Department of National Defense (DND) ang agreement nito sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) katulad ng ginawa sa University of the Philippines (UP).
Aminado si Duterte Youth party-list Representative Ducielle Cardema, UP graduate na ilang kaliwa ang nang-abuso sa UP-DND Accord.
“With this in mind… the Duterte Youth party-List fully supports the move of the DND to cancel the UP-DND Accord which has been abused by some radical leftist groups to promote the youth recruitment of the CPP-NPA-NDF in their campuses,” ani Cardema.
“As Vice-Chairperson of the House Committee on National Defense and Security, I call on the DND to also cancel its similar PUP-DND Accord,” lahad pa nito.
Batay kay Cardema, ang UP-DND at PUP-DND Accords ay bumubuo ng inequality sa higit 400 campuses ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.
“Itong UP-DND Accord at PUP-DND Accord ay klarong klaro na special treatment na inabuso na, sa tagal ng panahon.”
‘Kung sa 400 plus campuses ng iba’t ibang SUCs ng bansa wala namang ganyang accord pero peaceful naman, tama lamang tanggalin na ang special treatment na yan na naaabuso rin naman,” giit pa nito. RNT/FGDC
NAMRIA wagi ng 2 award sa FOI Awards

Manila, Philippines – Nagkamit ng dalawang karangalan ang National Mapping and Resource Information Authority sa naantalang 2019 Freedom of Information Awards.
Kabilang sa mga karangalang natanggap ng NAMRIA ang top requested and performing agencies in the eFOI Portal, partikular na sa katergoryang agencies with above 50 requests and with at least 80% closed transaction.
Ito’y bilang pagkilala sa kontribusyon ng NAMRIA at mga accomplishment nito bilang suporta sa pagpapatupad ng mga programa ng FOI.
Kasama rin sa mga pinarangalan si Zenaida A. Leaño, ng NAMRIA, bilang isa sa Best FOI Officers with agency’s performance rate of 99% and above.
Bunsod naman ito sa kanyang aktibong partisipasyon bilang FOI Officer sa FOI activities, consistent communication sa FOI-PMO; pagkakaloob ng rasonableng tulong sa requesting party at performance rate ng ahensya na 90% pataas.
Nakapaloob ang karangalang ito sa FOI Awards Resolution No. 0l na natanggap ng NAMRIA nitong Enero 6, 2021 lamang na umano’y batay sa deliberasyon na isinagawa ng FOI Awards Screening Committee noong Nobyembre 14, 2019 sa ikalawang palapag ng Casa Roces, Malacañang Compound, Manila.
Nakasaad sa Resolusyon na ang naturang awards ay batay sa Executive Order (EO) No. 2, s. 2016, na ipinalabas ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Hulyo 23, 2016 para i- operationalize o patakbuhin ang People’s Constitutional Right to Information and the State Policies” para mailahad nang buo sa publiko at magkaroon ng transparency sa public service.
Samantala, batay naman sa Memorandum Order No. 10, S. 2016, itinalaga ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) bilang lead agency sa pagpapatupad ng EO No. 2, S. 2016, at ng iba pang Freedom of Information (FOI) programs at initiatives, kabilang na ang electronic FOI sa Executive branch.
Ang FOI Awards ay itinatag noong 2017 para kilalanin ang pagsisikap ng mga ahensya ng pamahalaan, indibidwal at organisasyon na nakapag-ambag sa kaunlaran at progreso ng FOI Program.
Nakasaad naman sa Section 4 ng FOI-MC No. 02, S. 20 19 na ang FOI Awards Secretariat, na kinabibilangan ng FOI-PMO sa pamumuno ng Chief of Compliance Monitoring Division, ay dapat na magsumite ng listahan ng mga nominado sa FOI Awards Screening Committee.
Habang nakasaad naman sa Section 6 ng FOI-MC No. 02, S. 2019 na ang FOI Awards Screening Committee ay dapat na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Office of the Executive Secretary bilang Chairperson, kinatawan o representative mula sa FOI-PMO at isang kinatawan sa bawat academe, media organization at Non-Government Organization/Civil Society Organization bilang miyembro na may equal voting rights at ang listahan na isinumite ng Secretariat, “within thirty (30) days upon receipt ay dapat na ikunsidera, amyendahan o palitan ng Committee at mamili ng mananalo mula sa pinal na listahan na napagkasunduan ng mga miyembro ng Committee .
Samantala, nakasaad sa Section 1 na ang FOI Awards Screening Committee ay kinabibilangan nina Atty. Kim Raisa Uy, assistant secretary, Office of the Executive Secretary, bilang chairperson; Atty. Kristian Ablan, assistant secretary; Presidential Communications Operations Office bilang FOI Program Director; Ms. Emma Rey, pangulo ng Philippine Librarians Association Inc. bilang member na kumakatawan sa academe; Mr. Paul Gutierrez, dating pangalawang pangulo at ngayo’y pangulo ng National Press Club, bilang kinatawan ng media organization; Ms. Mariefe del Mundo, membership program officer, kinatawan ni Executive Director Roselle Rasay, Caucus of Development NGO Networks, bilang kinatawan ng civil society organizations na may advocacy para sa transparency, accountability at open governance at Ms. Eden Darlene Mendoza, Presidential Communications Operations Office, bilang FOI Awards Secretariat Head.
Nakasaad naman sa Section 2 na ang FOI Champion awards ay ipinagkaloob batay sa “exemplifying and industry of the awardees” na nagbigay ng karangalan para sa kani-kanilang tanggapan at pagkilala sa pamamagitan ng “excellence and distinction in the pursuit of ensuring the Constitutional mandate of right to information.”
Nakasaad naman sa Section 3 na ang FOI Recognition ay ipagkakaloob sa Private Entities o Individuals o Non-Government Organizations/Civil Society Organizations para sa kanilang pagsisikap at accomplishments na sumusuporta sa implementasyon ng FOI program, kabilang ang NAMRIA.
Nakasaad sa Section 4 na ang pagkilala ay marapat na ibigay sa (3) FOI Officers na nagpakita ng “exceptional o significant contribution” sa FOI program’s progress and development kung saan kabilang si Leaño, ng NAMRIA.
Ang nasabing resolusyon ay may lagda nina Eden Mendoza, 2019 FOI Awards Secretariat at mga miyembro ng 2019 FOI Awards Screening Committee na sina Mariefe L. del Mundo, Paul M. Gutierrez, Emma B. Rey, Atty. Kristian R. Ablan (miyembro at FOI Program Director at Atty. Kim Raisa O. Uy, chairperson. KRIS JOSE/Santi Celario
Duterte kay Galvez: COVID vaccine deals ipaalam kay Sotto

Manila, Philippines – Inatasan na ni President Rodrigo Duterte si czar Carlito Galvez Jr. na ilantad kay Senate President Vicente Sotto III ang detalye ng COVID-19 vaccine deals para sa transparency.
“Kausap ko po si Pangulo at inatasan niya si Secretary Galvez na ipaalam po ang kasunduan kay Senate President Sotto at nagkausap na rin po kami ni Senate President Sotto ukol dito para magkaroon po ng transparency,” ani Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.
“For transparency naman ang gusto ng pangulo… pero importante ‘wag maantala ang vaccine implementation.”
Nauna ngang sinabi ni Galvez na posibleng mawala ang 148 milyong dose ng bakuna kung ilalantad ang presyo nito sa publiko. RNT/FGDC
FDA nagbabala vs. unregistered medical products, drugs

Manila, Philippines – Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa healthcare professionals at publiko sa paggamit at pagbili ng medical products na walang proper authorization at unregistered drugs.
Sa isinagawang post-marketing surveillance, walang sertipiakasyon ang:
-
Disposable Face Mask 99% Bacteria Filtration Efficiency
-
Zhad Yang Medical Cotton Swabs
Gayundin ang mga sumusunod:
-
Zithromax® Azithromycin For Suspension 0.1g
-
OTC F® Z51020114 [Label in Foreign Language]
-
KL® Sodium Chloride Injection 0.9% 500ml:4.5g
-
OTC H20003790 [Label in Foreign Language]
-
Xinshenghua Keli
-
OTC Zhibai Dihuang Wan
-
HUIFA® Zhisuningpian
Gayundin sa mga pagkain tulad ng:
-
OBF Longanisa de Guinobatan Special Longganisa – Spicy | Special Longganisa – Regular
-
Pro-fit Berry Barley Premium Barley Drink, Net Wt. 225g (15g X 15 Sachets)
-
D’Barako Coffee in a Bag Puro Kapeng Barako, 13 Bags
-
First Vita Plus Lemon Grass Tea with Green Tea, Net Wt. 1.5g X 10 Sachets
-
Wild Organica Turmeric Powder
-
Dr. Wang Turmeric Coffee
-
L&P Calamansi Juice, Net Vol. 330ml
-
Laid’s Special Chicharon – Spicy
-
Emy’s Sweets and Pastries Tamarind – Salted
-
Emy’s Sweets and Pastries Tamarind – Sweet
-
Goodtaste Pork Luncheon Meat, Net Wt. 397 grams (14 oz)
-
Charlyn’s Special Miswa
-
Pabo Miswa, Net Wt. 200g
-
Maya Miswa, Net Wt. 200grams
-
Canciller’s Food Products Special Pancit Canton, Net Wt. 250g
Sa kabila nito, humingi na ng tulong ang ahensya sa Bureau of Customs na salain ang mga pagpasok ng unregistered product. RNT/FGDC
Vaccine officials dapat may natutunan sa kontrobersya ng Sinovac – Lacson
