Taiwan inaasahang tatanggap ng 20K factory workers

Taiwan inaasahang tatanggap ng 20K factory workers

September 5, 2022 @ 1:42 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaasahang tatanggapin ang 20,000 pang Filipino workers sa Taiwan sa Disyembre, ayon sa Department of Migrant Workers.

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na 20,000 pang Filipino workers ang iha-hire bukod sa mahigit 120,000 na nagtatrabaho roon.

Inihayag ni Ople na mayroong 147,853 Filipino workers sa Taiwan hanggang nitong Hulyo 2022, kung saan 121,756 ang nagtatrabaho sa mga factory.

Mabebenepisyuhan umano ang mahigit 120,000 factory workers maging ang mga inaasahang tatanggapin sa Disyembre  sa bagong wage structure.

Ipinalabas kamakailan ng Taiwanese Ministry of Labor sng bagong wage na nagtataaas sa minimum monthly at hourly wage ng 4.55 porsyento at 4.76 porsyento, simula Enero 2023.

“Once implemented the order will raise the monthly minimum wage from P46,860.40 to P48,994.70 and the basic hourly rate from P311.78 to P326.63,” sabi ni Ople.

“This would greatly benefit our (fellow Filipinos) working in Taiwan, most especially in the manufacturing sectors,” dagdag niya. RNT/SA