Taiwan judo coach  kulong ng 9 na taon; estudyante hinagis hanggang mamatay

Taiwan judo coach  kulong ng 9 na taon; estudyante hinagis hanggang mamatay

June 30, 2022 @ 5:39 AM 1 month ago


TAIPEI – Isang Taiwanese judo coach na pumatay sa isang pitong taong gulang na mag-aaral sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghagis sa kanya sa sahig ay sinentensiyahan ng siyam na taon na pagkakulong, na nag-udyok sa mga magulang ng bata na humingi ng mas malupit na parusa.

Ang bata, na kinilala lamang sa pangalan ng kanyang pamilya na Huang, ay isinugod sa isang ospital sa gitnang lungsod ng Taichung noong Abril noong nakaraang taon matapos na siya ay iniulat na Inihagis ng 27 beses ng kanyang coach na si Ho Tsung-le.

Nanatili siyang coma sa loob ng 70 araw na may pagdurugo sa utak, at nagkaroon ng mga problema sa paghinga pati na rin ang multiple organ failure bago nagpasya ang kanyang mga magulang na tanggalin na ang life support.

Nagpasa ang korte sa distrito ng Taichung ng siyam na taong sentensiya sa pagkakulong, na nagsasabing pinilit ni Ho ang bata na sundin ang kanyang mga utos at pinabayaan ang posibilidad na maaari itong humantong sa kamatayan.

Ngunit ang mga magulang ng bata ay nangako na iapela ang “magaan” na sentensiya at sinabing ang coach ay hindi kailanman nagpakita ng anumang pagsisisi.

“I think it’s too light, it should be a life for a life. Grabe talaga ang ugali niya. He’s never admit to any wrongdoing and blamed it on my child,” ayon sa ama ng bata.

Ayon sa isang pahayag ng korte, inutusan ni Ho ang bata na magsanay ng paghagis kasama ang isang mas may karanasan na kaklase, kahit na alam niyang hindi pamilyar ang biktima sa mga pangunahing paggalaw ng judo.

Matapos tumanggi si Huang sa mga utos at sabihin na “ang coach ay isang idiot,” mismong si Ho ang naghagis sa bata gamit ang iba’t ibang technique, kabilang ang shoulder throw.

Nang magreklamo ang bata ng matinding sakit ng ulo, sinabi ng coach na umaarte lang ito at hinagis pa siya ng isang dosenang beses, na nagdulot ng pagsusuka, sabi ng pahayag.

Matapos malinis ng ibang mga mag-aaral ang suka sa sahig, ipinagpatuloy ni Ho ang paghagis sa bata ng ilang beses hanggang sa tuluyan itong bumagsak sa sahig, dagdag pa nito.

Dumalo umano sa klase ang tiyuhin ng bata ngunit nabigong pigilan ang coach.

Sa inilabas na media report, hinagis umano ang bata ng halos 27 beses. Ang pahayag ng korte ay nagsabi na ang kanyang ulo ay paulit-ulit na tumama sa sahig ngunit hindi tinukoy kung ilang beses.

“Isinagawa niya ang labis na hindi naaangkop na mga hakbang sa pagsasanay na nagdulot kay Huang na magtamo ng mga pinsala at sa kasamaang palad ay namatay sa murang edad,” sabi ng korte.RICO NAVARRO