Taiwan, magbibigay ng 300K medical masks sa Pilipinas

Taiwan, magbibigay ng 300K medical masks sa Pilipinas

April 15, 2020 @ 7:27 AM 9 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nag-donate ang pamahalaan ng Taiwan sa Pilipinas ng 300,00 face masks bilang bahagi ng kanilang tulong para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan, may anim na milyong medical mask ang ipadadala sa European Member states, eastern European countries, at Southeast Asian countries na bahagi ng New Southbound Policy ng Taiwan.

Batay sa Economic and Cultural Office ng Taipei sa Maynila, makatatanggap ang Philippine government ng 300,000 Taiwan-made medical masks.

Inaasahang darating ang kargamento sa Maynila sa pamamagitan ng EVA Air flight sa Miyerkoles.

Samantala, makatatanggap din ang mga bansang Indonesia, Malaysia, Singapore, Vietnam at India will ng 100,000 hanggang 300,000 depende sa dami ng populasyon at pangangailangan.

“As the international community endeavors to strengthen mechanisms to combat COVID-19, Taiwan stands willing and able to collaborate with other countries, and plays a role indispensable in overcoming the pandemic,” pahayag ng MOFA sa panayam. Remate News Team/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...