Taiwan makatutulong sa Pinas sa usaping nuclear – solon

Taiwan makatutulong sa Pinas sa usaping nuclear – solon

March 3, 2023 @ 12:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinimok ni Albay Rep. Joey Salceda ang gobyerno na makipag-usap sa pamahalaan ng Taiwan ukol sa usapin ng nuclear power.

Sa ginanap na Shell Resellers Conference kung saan pangunahing pandangal si Salceda, sinabi nito sa kanyang talumpati na na hindi na kailangan lumayo ng Pilipinas kung nuclear plants ang pag-uusapan dahil ang Tawain ay ang bansa na kailangang lapitan.

Aniya, ang Maanshan NPP na 375 kilometers (km) ang layo mula sa Pagudpud, Ilocos Norte ay pagmamay-ari ng Taipower.

“It will be decommissioned between 2024 and 2025. And the useful life is 60 years. In other words, if we can negotiate its use, we don’t need to put up new plants. Only submarine transmission between North Luzon and Taiwan.”

Ani Salceda, ang Maanshan ay 1900 megawatt (MW) plant na kung magagamit ng bansa ay magpapababa sa presyo ng kuryente ng hanggang 66 centavos kada kilowatt hour.

“I am telling you, nuclear is inevitable,” pahayag pa ni Salceda sa kanyang talumpati.

Si Salceda ay principal author ng Comprehensive Nuclear Energy Regulation Act na nagsusulong na magkaroon ng nuclear power bilang solusyon sa problema sa enerhiya. Gail Mendoza