Taiwan nag-donate ng $100K sa Vigan rehab

Taiwan nag-donate ng $100K sa Vigan rehab

November 22, 2022 @ 11:44 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Nag-donate ang Taiwan ng USD100,000 o humigit-kumulang P5.7 milyon para makatulong sa rehabilitasyon ng mga nasirang kultural at makasaysayang istruktura sa Vigan City, dahil sa tumamang lindol noong Hulyo 2022.

Iniabot ni Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) Representative Peiyung Hsu ang donasyon kay Vigan Mayor Jose Singson Jr. na sinamahan ng mga konsehal at opisyal ng lungsod.

Naroon din si Governor Jeremias Singson ng Ilocos Sur upang saksihan ang turnover.

“As the closest neighbor of the Philippines, the people of Taiwan really sympathize with the victims worst affected by the earthquake. Representative Hsu expressed Taiwan’s sincere compassion and sympathies to the victims and their families hit by the calamity, and indicated that the project involves public safety, heritage conservation, and revitalization of the city’s economy at the initial phase of recovering from the onslaught of the Covid-19 pandemic,” sabi ng TECO noong Lunes ng gabi.

Nagpasalamat din si Singson sa Taiwan para sa tulong.

Ang Vigan City ay kabilang sa mga lugar na pinakamahirap na tinamaan nang tumama ang magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon noong Hulyo 27, 2022.

Ang sentro ng lindol ay naitala sa Tayum, Abra ngunit naramdaman ang pagyanig hanggang sa Metro Manila.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigit PHP1.42 bilyon ang kabuuang tinatayang pinsala sa imprastraktura sa Ilocos Region lamang. RNT