Taiwan nangangailangan ng mas maraming gurong Pinoy

Taiwan nangangailangan ng mas maraming gurong Pinoy

October 9, 2022 @ 1:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nangangailangan ng maraming mga guro sa English language ang Taiwan.

Hinimok ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) ang mga Pinoy na sumali sa Foreign English Teacher Program sa pamamagitan ni TECO Representative Peiyung Hsu nitong Biyernes, Oktubre 9.

“We welcome more teachers to join the project next year,” ani Hsu.

Ngayong taon lamang, 77 guro at 11 teaching assistants ang nakapasok sa programa mula sa 6,000 aplikante.

Ang Ministry of Education ng Taiwan ay bumuo ng programang magpapaunlad ng English proficiency ng mga Taiwanese students.

Kung babalikan, mayroong opisyal na diplomatic ties ang Pilipinas sa Taiwan mula nang maitatag ito bilang isang bansa ngunit naputol noong 1970 nang bumuo naman ng pormal na ugnayang PH-China. RNT/JGC