Taiwan niyanig ng M-6.8 lindol!

Taiwan niyanig ng M-6.8 lindol!

September 19, 2022 @ 8:14 AM 1 week ago


TAIPEI- Tumama ang 6.8 magnitude na lindol sa southeastern part ng Taiwan nitong Linggo, ayon sa weather bureau ng isla, na nagdulot ng pinsala sa train carriages, pagguho ng convenience store at pagkaka-trap ng daang indibidwal.

Sinabi ng weather bureau na ang  epicenter ay nasa Taitung county, at kasunod ng 6.4 magnitude pagyanig nitong Sabado ng gabi sa parehong lugar, kung saan walang nasawi.

Batay sa U.S. Geological Survey, ang lindol nitong Linggo ay may lakas na magnitude 7.2 aat lalim na 10 km (six miles).

Inihayag naman ng fire department ng Taiwan na ang apat na indibidwal ang nasagip mula sa isang gusali kung saan naroon ang isang convenience store na gumuho sa Yuli, habang nadala na sa ospital ang tatlong sakay ng sasakyan na nahulog sa isang sirang tulay.

Sinabi pa ng Taiwan Railways Administration na anim na carriages ang sumala sa riles sa Dongli station sa eastern Taiwan matapos masira ang bahagi ng platform canopy, subalit ayon sa fire department, wla aumanong nasugatan.

Mahigit 600 indibidwal naman ang na-trap sa Chike at Liushishi mountain areas dahil sa naharangang daan, subalit wala namang nasugatan at inaayos na ng mga rescuers ang daan, ayon sa departamento.

Nagpalabas ang U.S. Pacific Tsunami Warning Center ng babala para sa Taiwan matapos ang pagyanig subalit inalis din ito. Inalis na rin ng weather agency ng Japan ang tsunami warning fsa bahagi ng Okinawa prefecture.

Naramdaman ang pagyanig sa buong Taiwan, batay sa weather bureau. Saglit na umuga ang mga gusali sa Taipe, at patuloy ang aftershocks sa pagyanig sa isla.

Ang Taiwan ay malap[it sa junction ng dalawang tectonic plates at “prone” sa mga lindol.

Mahigit 100 indibidwal ang nasawi sa lindol sa southern Taiwan noong 2016, habang todas naman sa 7.3 magnitude quake ang mahigit 2,000 indibidwal noong 1999. RNT/SA