Taiwanese grinipuhan sa leeg sa Isabela

Taiwanese grinipuhan sa leeg sa Isabela

October 9, 2022 @ 3:03 PM 2 months ago


ALICIA, Isabela- Laslas ang leeg at wala nang buhay ng matagpuan ang isang negosyanteng Taiwanese national sa loob ng kanyang bodega ng mga palay kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Cesar Ong, 52-anyos, may-asawa at residente ng Barangay Antonino sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Alicia Police Station, dakong alas-8:00 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng bodega sa Barangay Callao, Alicia, Isabela.

Kwento ng tauhan ng biktima na si Berling Navelga, 53-anyos, residente ng Barangay Callao, nagtungo siya sa bodega para sana magbilad ng palay.

Subalit, laking-gulat na lamang niya ng makita ang amo (biktima) na naliligo ito sarilin dugo at laslas ang leeg at agad niya itong ipinaalam sa mga awtoridad.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bago ang krimen nanakawan ang biktima ng mga sako ng palay kaya nagpasya itong matulog na lamang sa bodega para mabantayan niya ito.

Ayon sa pulisya, may lead na sila sa krimen na kanilang tinututukan para sa ikadarakip sa suspek at mapanagot. Mary Anne Sapico