Takbo ng MRT mabilis na ulit

Takbo ng MRT mabilis na ulit

October 29, 2020 @ 9:45 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaabot na sa 50 kilometro kada oras ang pinakamabilis na takbo ng mga tren ng MRT-3 upang higit na maihatid sa mas mabilis na paraan ang nasa 400,000 pasahero nito araw-araw.

Dati-rati, tumatakbo lang sa 20 kilometro kada oras ang takbo ng mga tren dahil delikado ang mga bagon at riles mismo at pinangambahang madiskaril ang mga ito.

Pinabibilis ang takbo ngayon matapos na maisagawa ang rehabilitasyon ng mga riles at inaasahan namang sa darating na Hunyo 2021, lahat na ng bagon, tatakbo na.

Matatandaang ilan sa mga bagon ang isinailalim sa overhaul dahil inabot na ang mga ito ng kalumaan.

Noon pang 2014 may takbong 50 kilometro kada oras ang MRT-3 at pinabagal ito upang makumpuni ang mga nasisirang riles at lumang mga bagon.

Sinabayan pa ito ng mga anomalya sa maintenance contract ng MRT-3, kasama ang mga nire-recycle at winewelding lang na materyales.

Ibinalik na sa Sumitomo Corporation ang maintenance ng buong MRT-3 at inalis na ang mga kompanyang itinayo ng mga sinasabing korap na naging dahilan ng pagloloko ng buong sistema ng MRT-3. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...