Take home pay ng Pinoy workers sa POGO malaki

Take home pay ng Pinoy workers sa POGO malaki

October 12, 2022 @ 8:12 PM 2 months ago


Manila, Philippines-Dahil libre ang pagkain at may transportation allowance pa, malaki umano ang naiuuwing kita ng 23,000 Pinoy workers sa Philippine offshore gaming operators sa kani-kanilang mga pamilya.

Ito ang sinabi ni Association of Service Providers and POGOs spokesperson Atty. Michael Danganan, sa pagdinig ng Senado sa POGO at tiniyak na marami pang maha-hire ng mga Pinoy worker sa darating pang mga taon.

“Sa aming datos, mahigit po ang numero ng ating Filipino workers kumpara po sa foreign workers. So ‘yung tulong po na naibibigay, hindi lang po yung kanilang sweldo, nagbibigay rin ng ibang benepisyo,” sabi ni Danganan.

“’Yung pong sweldo nila, ‘yan po bale ang kanila na pong naiuuwi kasi wala na pong masyadong expenses na iba. ‘Yung pong tulong nila sa kanilang pamilya, ‘yan po ay malaking bagay din po,” saad niya.

“Malaki po ang tulong ng POGO industry sa pag-generate po ng employment sa ating mga kababayan,” ayon pa sa ASPAP spokesperson.

Nauna nang umapela ang grupo kay Pangulong  President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,  gayundin sa mga mambabatas na tingnan ang posiblidad na maraming mawawalan ng trabaho sa oras na ipasra ng POGO industry sa Pilipinas.

Ang ASPAP ay binubuo ng 16 PAGCOR-licensed POGOs at 68 service providers at nage-empleyo ng 23,118 Pinoy at 17,130 foreign nationals.

Kasama rin sa operasyon ng mga miyembro ng ASAPA ang 129 tanggapan para sa customer relations service, IT support, live studio streaming at iba pa.

Ang breakdown ng Pinoy workers sa POGO ay binubuo ng mga sumusunod: 31.4% na nagsisilbi bilang team leaders o supervisors, administrative assistances, sports handlers, kitchen staff, security officers, financial assistants at accounting assistants;

Samantala 16% naman nito ay nagtatrabaho bulang data entry clerks; 10.5% bilang customers service representatives at 10% bilang housekeepers.

Ang natitirang trabaho ay general office staff, company drivers, payment officers, maitenance, maintenance staff, dealers or presenters, data processors, at security guards. RNT