Takot si McGregor kay Jake Paul

Takot si McGregor kay Jake Paul

May 3, 2022 @ 10:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi magpapahuli ang YouTube sensation na si Jake Paul sa kanyang panunuya kay dating UFC two-division champion Conor McGregor.

Nagpasabog muli kahapon  si  Paul, 25,  na maaanghang na salita kontra kay Irish mixed martial arts superstar sa post-fight press conference ng Katie Taylor laban kay Amanda Serrano.

“Siyempre, nanonood si Conor para suportahan si Katie. Medyo may kakulitan pa kami. Lagi siyang may sinasabi, pero wala naman talaga siyang mapag-usapan, di ba?” wika ni Paul.

“Hindi siya nanalo sa laban sa loob ng limang taon. Pag-aari siya ni Dana [White] at ako ang nakakuha ng malaking suweldo kay Katie Taylor at iyon ang kanyang bayani.”

Bagama’t hindi natalo, si Paul ay madalas na binatikos sa pagpili ng kanyang mga kalaban. Hawak niya ang rekord na 5-0 na may apat na knockout ngunit hindi pa rin lumalaban sa isang boksingero sa kanyang karera.

Samantala, natalo si McGregor ng tatlo sa kanyang huling apat na laban at hindi nanalo mula nang matalo niya si Donald Cerrone sa pamamagitan ng first-round technical knockout noong Enero 2020.

Ayon sa ulat, iniiwasan ni McGregor na makipag-away kung tungkol kay YouTuber-turned-professional boxer ang dahilan.

“Conor McGregor is not tall enough to ride a rollercoaster. I feel bad for him and he’s ducking me. We’ll get that settled one day,” wika ni Paul.Rico Navarro