Talamak na droga pipigilan ng BOC Cebu, PNP

Talamak na droga pipigilan ng BOC Cebu, PNP

October 27, 2022 @ 11:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – SANIB-pwersa ang Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu at Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang pagpuslit ng mga iligal na droga sa bansa.

Ang naturang pahayag ay matapos makipag-courtesy call ang bagong upong Director ng PNP Regional Office 7 PBGen. Roderick Augustus Alba kay BOC-Port of Cebu District Director Charlito Martin Mendoza kung saan sumentro ang kanilang pag-uusap hinggil sa pagpapaigting sa paglaban sa pagpasok at paglaganap ng ilegal na droga.

“With the full support of the PNP 7, we expect a vast source of intelligence information that can further place our customs officers steps ahead of these drug smugglers,” ani Mendoza.

“To foil smuggling attempts, it is important that we know how smugglers operate, what goods are vulnerable covers for drugs, and the placement of advanced technologies to complement our trained officers,” dagdag pa ng opisyal.

Nagdeklara si Cebu Governor Gwendolyn Garcia ng “total, all-out war” laban sa iligal na droga at hinimok ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na makiisa sa krusada ng Lalawigan.

Matatandaan na una nang nakipagpulong si District Collector Mendoza kay Director Levi Ortiz ng Philippine Drug Enforcement Agency-Region 7 (PDEA 7) upang palakasin ang pakikipagtulungan ng Port sa PDEA. Ang mga ahensya ay sumang-ayon na magkasamang magsagawa ng x-ray image analysis at enforcement training para palakasin ang kanilang anti-smuggling operations. JAY Reyes