Talamak na vote buying sa Surigao del Sur kinondena ng obispo

Talamak na vote buying sa Surigao del Sur kinondena ng obispo

May 19, 2022 @ 7:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinondena ng isang Obispo ang tinatawag nitong pinakamasama at isa sa pinakatalamak na vote buying sa probinsya ng Surigao del Sur noong May 9 elections.

Ayon kay Tandang City Bishop Raul Dael, ang halaga na ipinamahagi sa bawat botante ay umabot sa halos P12,000 sa Tandang City pa lamang.

“Amidst our hardships, this could be the biggest amount of vote-buying in the country,” sinabi ni Dael sa kanyang pastoral letter noong Linggo, ang kopya kung saan pinoat sa Roman Catholic Diocese of Tandag Facebook page.

Sinabi ng Obispo na sa nagdaang ipang araw, kahit saang lugar ay dagsa ang mga tao.

Nauna nang nagbabala ang mga Katolikong Obispo sa mananampalataya bago ang halalan a huwag ibenta ang kanilang boto sa mga pulitiko.

Sa halip , iboto ang mga sinsero sa kanilang intebsyon na magserbisyo nang hindi ginagamit ang kanilang mga kapangyarihan.

“Our abstinence from vote buying and vote selling (is) measured in this election because this is the only way to change our country,” binigyang diin ni Dael sa kanyang homilya.

Sinabi ng mga local observers na malaking halaga ng pera ang iniaalok sa mga botante lalo na sa Tandang City bago ang halalan na nagresulta ng matinding tunggalian ng mga pulitiko sa paguran ng kampo ni Rep Prospero Pichay ng unang congressional district at reelectionist Governor Alexander Pimentel.

Si Pichay, na nagtalaga sa kanyang asawang si Cantilan Mayor Carla Pichay para tumakbo bilang gobernador, ay iniulat na nagalit kay Pimentel, na tumakbong muli para sa halalan. Ang dalawang magkatunggaling kampo ay nakikibahagi sa paninira sa kasagsagan ng campaign trail. Jocelyn Tabangcura-Domenden