Taliban tutulong sa Turkey, Syria

Taliban tutulong sa Turkey, Syria

February 8, 2023 @ 5:07 PM 2 months ago


TURKEY – Magpapadala ng$165,000 halaga ng ayuda ang administrasyong Taliban ng Afghanistan para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Turkey at Syria.

Matatandaan na nakaranas din ng matindign economic at humanitarian crisis ang Afghanistan kasunod ng pagkubkob ng Taliban sa kasalukuyang umiiral na pamahalaan sa nasabing bansa.

“The Islamic Emirate of Afghanistan … announces a relief package of 10 million Afghanis ($111,024) and 5 million Afghanis ($55,512) to Türkiye and Syria respectively on the basis of shared humanity and Islamic brotherhood,” pahayag ng Ministry of Foreign Affairs nitong Martes, Pebrero 7.

Sa huling impormasyon ay umakyat na sa 8,300 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria, maliban pa sa daan-daang mga gusali at tirahan na nawasak at gumuho.

Sa kabila nito, sa Afghanistan, daan-daang mga residente ang nasawi dahil sa matinding lamig at krisis sa ekonomiya, kasabay ng pagsuspinde ng operasyon ng ilang aid groups sa nasabing bansa dahil sa pamumuno ng Taliban. RNT/JGC