Talunang team nais magkampeon

Talunang team nais magkampeon

January 16, 2022 @ 1:07 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Mukhang nagising na sa katotohanan sa  mahimbing na  pagkakatulog ang isa sa mahinang team sa PBA . Nagising na yata ang koponang ito na nais ng magpalakas kuno.

Gusto nga nilang makipag trade ng player para makuha ang  bigman ng isa sa team ng  SMC. Ang tanong lang naman sino ang ibibigay ng talunang koponan na ito.

May pangarap naman pala ang kawawang team na ito. Kung kailan naubos na ang kanilang mahuhusay na players na pwedeng mag-ahon sa kanila ay saka sila umaasam na maging malakas na team.

Hindi naman masamang mag ambisyon  at tama lang ang gagawin ng talunang team na ito, para mawala sa isipan ng mga basketball fans ang pangit nilang reputasyon.

Sana nga simula na ito para lumakas ang team ni coach at hindi rin siya mahirapan. Magaling pa naman siyang coach kaya makababangon ang hawak niyang koponan. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel