Tama na ang dakdakan, bakbakan na!

Tama na ang dakdakan, bakbakan na!

July 13, 2018 @ 6:28 AM 5 years ago


 

Wala ng panahon si Pa­ngulong Duterte na makipag-lokohan kay Jose Ma. Sison na walang ginawa kundi umatu­ngal ukol sa kondisyones ng kanyang pangkat para matuloy ang peace talks.

Naipakita na ng pamahalaan ang sinseridad at determinasyon para makipagsundo sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ngunit paulit-ulit na iginiit ng huli ang mga imposibleng kondisyones nito.

Sa madaling salita, tuloy ang labanan ng puwersa ng gobyerno at mga rebeldeng komunista pagkatapos na ma­bigo ang usapang pangkapayapaan.

Iyan ang idineklara ni Ma­nong Digong at gayundin ni Joma kamakalawa.

The die is cast. We’ve crossed the Rubicon, the point of no return.

Hindi makapapayag ang Pangulo, ang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na diktahan ng NDFP na gustong sa ibang bansa pa isagawa ang peace talks.

Ipinipilit din ng NDFP na palayain ng military ang lahat ng detinadong komunista na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal.

Tulad ng aking tinuran kamakailan, “kabulastugan” lang ‘yang pekikipag-nego sa NDFP, kabilang ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang New People’s Army.

Dapat ipakita ng AFP nga­yon na kaya nitong puksain ang banta ng terorismo mula sa mga komunista na ang nag-iisang layon ay ang pabagsakin ang pamahalaan.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang pahayag ni Joma na target ng NPA si Manong Digong.

Dapat aktibong suportahan ng sambayanan ang AFP at palakasin pa ang moral ng kasundaluhan sa labang ito.

Tama na ang dakdakan. Bakbakan na!!!

***

Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-12NOON sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapanono­­­od din ang  programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa [email protected]­hoo­.com o bisitahin nyo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Quezon City (taas ng PSBank).

-DEADSHOT NI TULFO