Tamang pasahod sa holiday ng Agosto 21, 29 ipinaalala ng DOLE

Tamang pasahod sa holiday ng Agosto 21, 29 ipinaalala ng DOLE

August 23, 2022 @ 8:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer at business owners na sumunod sa tamang pay rules sa kanilang mga manggagawa para sa Agosto 21 at Agosto 29.

Ang nasabing mga petsa ay idineklarang special non-working day kung saan ang Agosto 21 ay bilang paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng kamatayan ng yumaong Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr., habang ang Agosto 29 ay isang regular holiday sa pagdiriwang ng National Heroes Day.

Sa inilabas na abiso nitong Lunes, sinabi ng DOLE na ang tamang pagbabayad ng dagdag na sahod para sa mga manggagawang pumasok noong Agosto 21, na pumapatak ng Linggo.

Alinsunod sa Proclamation No.1236 na inisyu ni Pangulong Duterte noong 2021, ang polisiya na “no work, no pay” ay dapat ilapat maliban kung mayroong company policy, practice o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng bayad sa isang espesyal na araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden