Tamang pasahod sa holiday sa Pebrero, ipinaalala ng DOLE

Tamang pasahod sa holiday sa Pebrero, ipinaalala ng DOLE

January 31, 2022 @ 10:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – May karapatan sa premier pay ang mga empleyadong magre-report sa trabaho sa special non-working days sa February, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) .

Ayon pa sa DOLE, na dapat bayaran ng karagdagang 30 porsyento sa kanilang basic wage ang mga manggagawa na magrereport sa February 1 o ang Chinese New Year at February 25 o EDSA People Power Revolution Anniversary .

Ang karagdagang sahod ay lalabas sa komputasyon ng basic wage na na- multiply ng 130 % dagdag sa cost of living allowance

Ang mga manggagawa na mag-overtime work ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate sa nasabing araw , habang ang mga papasok sa holidays at rest day ay dapat bayaran ng karagdagang 50% sa kanilang unang walong oras ng trabaho.

Ang mga magtatrabaho ng overtime sa kanilang day off ay dapat ding bayaran ng karagdagang 30% ng kanilang hourly rate.

“For employees who did not work, the ‘no work, no pay’ principle shall apply unless there is a favorable company policy, or collective bargaining agreement granting payment on a special day,” sinabi pa ng DOLE

Una nang inanunsyo ng Malacañang na February 1 at February 25 ay special non-working days base sa deklarasyon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong October 29,2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden